PINAALALAHANAN ni Phoenix Pulse coach Louie Alas ang anak na si Kevin na maging matiyaga sa bawat pagkakataon at huwag pilitin ang sarili na pumuwersa mula sa kanyang pagbabalik matapos magtamo ng ACL injury.

Nabokya ang batang Alas sa loob ng pitong minutong paglalaro sa 102-94 kabiguan ng Road Warriors kontra NorthPort Batang Pier nitong Miyerkoles.

Ito ang unang aksiyon ng 27-anyos na si Alas matapos ang siyam na buwang pahinga dulot ng injury na natamo niya noong 2018 PBA Philippine Cup semifinals laban sa Meralco.

Kaagad na nagbigay ng morale support si coach Louie sa kanyang anak nang puntahan niya ito sa dugout.

“Sabi ko sa kanya, take your time at maging lesson sayo yung nangyari na talagang nagmamadali ka,” pahayag ng Fuel Masters mentor, napilitang magretiro ng maaga sa kanyang career noong 90’s matapos magtamo ng katulad na injury.

“Ang pinaka-importante sa lahat, more than your body — kasi yung body niya super lakas nanaman ngayon e, yung mindset mo na pag sumama laro niya, it’s normal kasi wala ka pa sa rhythm. Pag sumama laro mo, ibang basketball matters ang i-focus mo, lalong-lalo na yung mental toughness,” sambit ni Alas.

“We’re happy to have him. He’s another weapon that we can use in the playoffs,” pahayag ni NLEX coach Bong Ravena.

“He’s going to be fresh for the quarterfinals. Hindi pa siya nakikitang maglaro ng iba for quite some time. So hopefully, we can use that to our advantage.”

Tangan niya ang averaged 11.5 points, 4.8 rebounds at 2.5 assists sa 2018 Philippine Cup eliminations.

-Jonas Terrado

Source: Balita.net.ph