DOUBLE time si Alden Richards sa pagti-taping ng kanyang inspirational drama series sa GMA Network, ang The Gift. Two Sundays nang nagti-taping si Alden, bukod sa regular taping days niyang Mondays, Wednesdays and Fridays. Next week kasi, five days siyang mawawala, dahil sa show nila sa Dubai sa November 15, ang Dabarkads Sa Dubai sa Dubai World Trade Center.

Alden

Magkakasamang magso-show sila nina Sen. Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Jose Manalo, Wally Bayola, Pauleen Luna, Allan K, Ryzza Mae Dizon, Baeby Baste at Maine Mendoza. Sa November 12 ay aalis na sila papuntang Dubai, kaya hindi makapagti-taping si Alden ng November 13 and 15. Babalik sila ng Monday, November 18, just on time sa taping ni Alden.

Dahil sa busy schedule ni Alden ng taping, hindi rin siya nakapagbakasyon noon Undas, dahil noong November 1, wala man silang taping, inilipat naman nila ng family niya ang ashes ng ina nilang si Mommy Rio sa museleo ng mga Faulkersons sa Centennial Memorial Garden sa Sta. Rosa, Laguna.

Thankful naman si Alden at ang production staff ng “The Gift,” dahil sa magandang ratings na natatanggap nila, bukod pa sa gabi-gabing pagti-trending nito sa Twitter, dahil sa pagsubaybay ng mga netizens. Noong isang gabi ay iniyakan nila ang eksena na nawawala si Sep (Alden) na hindi nila alam kung saan ito napunta, ang tungkod (cane) lamang ni Sep ang nakuha nila. Kaya si Nanay Straw nagdasal na payag na raw siyang hanapin ni Sep ang mga magulang nito, iligtas lamang at ibalik sa kanila ang anak. Takot kasi sila ni Lola Char na mahanap ni Sep ang mga magulang na nakita nito sa panaginip, dahil tiyak daw na iiwanan na lamang sila nito pagkatapos.

Sa direksyon ni LA Madridejos, napapanood ang “The Gift” gabi-gabi, pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA 7.

-NORA V. CALDERON

Source: Balita.net.ph