Ipinatigil ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang operasyon ng AMA Rural Bank.

Ang nasabing bangko ay pag-aari ng AMA Group of Companies ng businessman na si Amable Aguiluz at ikalima sa pinaka-malaking capitalized rural bank sa bansa.

Kaugnay nito, isinailalim na ng Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) ang AMA Bank sa ilaim ng under receivership.

Sa record ng PDIC, ito na ang ikawalong bangko na isinailalim nila sa receivership sa taong ito.

Ang ibang mga bangko ay ang Rural Bank of Lemery, Rural Bank of Larena (Siquijor), East Coast Rural Bank of Hagonoy, Rural Bank of Guihulngan (Negros Oriental), Valiant Bank, The Palawan Bank at Rural Bank of Basey (Samar).

Ang AMA Bank ay may labingtatlong branches at naglagay na ng notice ang PDIC sa mga ito kaugnay sa pagsasailalim sa receivership.

Ayon sa latest financial statement ng AMA Bank, sila ay maykabuuang assets na P2.83 billion.

Ang AMA  Bank ay may capitalization na aabot sa  P1.04 billion.

Inilalagay sa receivership ng PDIC ang isang bangko kapag hindi na nito kayang bayaran ang kanyang pananagutan.

Ang AMA Bank ay may kabuuang loan na umaabot sa P2.06 billion na binubuo ng consumer loans.

Sa ilalim ng batas, saklaw ng deposit insurance mula sa PDIC ang mga deposito sa bangko nang hanggang sa P500,000.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source: Radyo Inquirer 990AM