HOST ang Lyceum of the Philippines University sa Intramuros para sa darating na 11th Asian University Basketball Championships (AUBC) na magsisimula sa Nobyembre 18.

Sa pakikiisa ng host na Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) sa pakikipagtulungan ng Asian University Basketball Federation (AUBF) ang torneo ay lalahukan ng anim na mga koponan kabilang na ang apat na dayuhan at dalawang lokal, isa na dito ang Lyceum.

Ang apat na dayuhang koponan ay kinabibilangan ng Kuala Lumpur Basketball Association (KLBA), Ho Chi Minh City (HCMC) Wings ng Vietnam, Nippon Sports Science University at Kindal University ng Japan.

Manggagaling naman ang isa pang lokal na koponang kalahok sa 2nd Philippine University Basketball League.

Ilan sa mga inaasahang magpapasinaya sa opening rites na magsisimula ng 9:00 ng umaga ang mga opisyales ng Fessap sa pangunguna ng kanilang presidente na si Angel Ngu at chaurman Alvin Tai Lian at ang kinatawan ng AUBF president na si Shin Dong Pa na si Deputy Secratary General Par Hyun Mo.

Kasama din nila sina Lyceum Athletic Director Hec Callanta, AUBC organizing committee chairman Robert Milton Calo.

Inimbita naman para maging mga panauhing pandangal sina Senador Manny Pacquiao. Senador Bong Go at Presidential Adviser for Sports Dennis Uy.

-Marivic Awitan

Source: Balita.net.ph