NANGANGANIB na mawala na sa hanay ng mga beauty queen si dating Binibining Pilipinas Tourism 2013 na si Cindy Miranda dahil sa erotic scenes nila ni Rhen Escano sa pelikulang Adan na idinirek ni Roman Perez, Jr na sinulat ni Direk Yam Laranas na mapapanood na sa Nobyembre 20 mula sa Viva Films at Aliud Entertainment.

ADANCAST

Pagmamahalan nang dalawang babae ang tema ng pelikulang Adan at dahil magkarelasyon ang mga bida kaya hindi maiiwasang may love scenes na ayon kay Cindy ay napakaganda ng istorya kaya hindi niya nagawang tanggihan at higit sa lahat, gusto niyang maging aktres kaya sinuway niya ang rules and regulasyon ng Binibining Pilipinas bilang beauty queen at maging magandang sa lahat.

Katwiran ng baguhang aktres, “bilang beauty queen alam ko na hindi ito magugustuhan ng Binibining Pilipinas. Pero sabi ko nga, noong nag-decide ako na maging aktres, iisipin ko ba ‘yung pagiging beauty queen ko? Kung hindi na nila ako imbitahan sa mga gatherings, okay lang.

“Kas i nang mag-dec ide akong mag-artista, gusto ko na maging magaling at naipangako ko sa sarili ko na huhusayan ko, gagalingan ko para makilala ako, ito ang gusto ko, maging aktres.”

Gaano ba katindi ang mga eksena nila ni Rhen sa Adan.

Kuwento ni Cindy, “nung ginawa ko ‘yung kissing scene namin ni Rhen, akala ko, hindi ko kaya pero dahil ipinaliwanag naman nina direk Yam at Roman nagawa namin ng maganda, with feelings.”

Pero klinaro ni Cindy na hindi siya lesbian at straight siyang babae dahil alam niya kung ano ang gusto niyang partner sa buhay.

“Kahit sa totoong buhay, hindi pa ako nakahalik ng babae kasi nga alam ko na lalaki ang gusto ko, pero sa movie kailangan kong gawin at dahil propesyunal akong artista kaya ginawa ko.

“Sabi ni l a , gr abe , ma y chemistry kami ni Rhen, matagal ‘yung kissing scene namin at inisip ko na mahal na mahal ko ang taong ito kaya umabot sa ganu’n. Pag nagmahal ka kasi hindi mo iisipin ang gender, ‘yun ang tema ng Adan,”pahayag ng aktres.

-Reggee Bonoan

Source: Balita.net.ph