MAKABAWI kaya ang Maroons o tuluyang makaarangkada ang Growling Tigers patungo sa pedestal ng UAAP title?

HIGIT pa sa angking husay ang kailangan ni Kobe Paras para maisalba ang University of the Philippines sa isa pang kabiguan.
(RIO DELUVIO)
Walang tulak-kabigin sa determinasyon at paghahangad ng magkabilang panig, ngunit sa krusyal na sandali ang mas may tapang at pusong palaban ang inaasahang mananaig sa paghaharap ng University of the Philippines at University of Santo Tomas sa ‘winner-take-all’ ng UAAP Season 82 men’s basketball stepladder phase.
Ganap na 4:00 ng hapon ang duwelo sa MOA Arena kung saan ang mananaig ang may pagkakataon na hamunin at putulin ang dominasyon ng back-to-back champion Ateneo Blue Eagles.
Naipuwersa ng Batang Espanya ang ‘do-or-die’ sa ‘twice-to-beat’ Maroons sa impresibong 89-69 panalo nitong Linggo.
Hindi isa, bagkus buong starters ng Gorwling Tigers, ang umatungal at nanalasa sa depensa ng Maroons tungo sa one-sided win at hilahin ang duwelo sa higit na nakaka-kabang sitwasyon.
“That’s an all-important game. You have to take that away [3-0 record]. We really have to win against them on Wednesday, season is on the line,” pahayag ni UST coach Aldin Ayo, patungkol sa 3-0 panalo ng UST sa UP ngayong season
May ngitngit sa puso ni UP coach Bo Perasol, subalit iginiit niyang walang pressure sa Maroons.
“Yun nga ang sinasabi ko sa kanila – we were blessed enough being the No.2 squad after the elimination,” pahayag ni Perasol.
“We have to get back to the work we did in order to get to that position. The silver lining is we put ourselves in the situation that we have another chance. That chance is going to be the last one for us and if we want to be given the chance to be in the Finals again, we really have to play better,” aniya.
-Marivic Awitan
Mga Laro Ngayon
(MOA Arena)
12:00 n.t. — UST vs FEU
(women Step-ladder)
4:00 n.h. — UST vs UP
(men Step-ladder)
Source: Balita.net.ph
0 Mga Komento