SI Mrs. Inday Barretto na ang nagsasabing siya ang “Inday” na tinukoy ni Marjorie Barreto sa nag-viral na hospital video. May mga hindi kasi naniwalang ang mommy nila ang tinukoy ni Marjorie sa video dahil nakita pa siya sa pa-lunch ni Marjorie sa bahay nito.
Magkasama rin sina Marjorie at mom niya na nanood ng ASAP sa bahay nina Marjorie habang nagdu-duet ang magkapatid na Julia at Claudine Barretto. Ang sabi ni Claudine, that time sa lunch sa house ni Marjorie, hindi pa alam ni Mrs. Inday na may video sina Marjorie.
Post ni Mrs. Inday Barretto sa kanyang IG Story: “I am the Inday, Marjorie was referring to after a big fight in the hospital about the Subic home we own. Im in shock & im so much pain as a mother. I just learned about the video & my heart breaks. Marjorie Claudine said everything, pls don’t drag my name Marjorie. Didn’t know you were doing DAMAGE CONTROL BY USING ME. learn to tell the truth & nothing but the truth.”
Naka-post din sa Instagram (IG) ni Claudine ang post ng ina at kasunod noon, may post si Claudine ng picture nilang mag-ina at nilagyan ng caption na “I luv & respect u so much @estrellabarretto.” Sinabi rin nitong “Nagsalita na ang Mommy @gretchenbarretto the Truth will always Prevail.”
Based sa mga nababasa naming comments, nagsasawa na rin ang tao sa gulo ng mga Barretto at may nagpayo sa kanilang ayusin na nila ang kanilang away para sa katahimikan ng lahat. Kahit daw hindi na sila magkabati-bati, basta gawin na lang nilang tahimik ang kani-kanyang buhay.
-NITZ MIRALLES
Source: Balita.net.ph
0 Mga Komento