
MAKABAWI pa kaya Red Lions o tuluyan na itong luluhod sa mapanupil na Knights?
Asahan ang walang humpay na bakbakan sa krusyal na paglarga ng Game 2 ng NCAA Season 95 men’s basketball best-of-3 Finals ngayon sa MOA Arena.
Tatangkain ng Letran Knights na kompeletuhin ang ‘cinderella finish’ laban sa liyamado at three-time defending champion San Beda sa Game Two ng serye na nagkaroon ng kakaibang lasa nang makuha ng Letran ang panalo sa opening game ng serye.
Inungusan ng Knights ang Red Lions noong nakaraang Martes, 65-64 upang tapusin ang 32 game winning streak ng Red Lions at makalapit sa asam na unang titulo sa nakalipas na tatlong taon.
Para sa Red Lions, bagamat mapait ang nasabing kabiguan, nawala na ang pressure sa kanilang panig dahil sa pagpapanatili ng kanilang winning streak.
Ngunit, magsisilbi din itong hamon at pagsubok sa kanilang karakter kung paano siya babangon mula sa unang kabiguan.
“I told the boys to accept the pain and think about what we did not do well. Eventually, they need to think about what we did well,” ani San Beda coach Boyet Fernandez.
“If we do that, we have a chance to win on Friday.”
“I believe that it will be tough because we only lost once this season. We don’t know how we will come back but I told them that the test of our character is how we can come back from a loss and that loss is tonight. It’s up to us to get back at them on Friday,” aniya.
-Marivic Awitan
Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
4:00 n.h. — Letran vs San Beda (Men Finals)
Source: Balita.net.ph
0 Mga Komento