Sa unang pagkakataon sa loob ng 37 taon, magiging katuwang ng Film Academy of the Philippines (FAP) ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pagpipresinta ng prestihiyosong Luna Awards na itinuturing na Pilipinong katapat ng Academy Awards. Ipinapakita ng pakikipagtulungan ng FDCP at FAP ang kanilang pangunguna sa pangangalaga ng kakayahan at kahusayan sa industriya ng Pelikulang Pilipino. Naiiba ang proseso ng pagboto sa Luna Awards dahil sa peer voting — ibig sabihin ang mga nominado sa bawat kategorya ay ibinuboto ng mga propesyonal na galing sa parehong sektor.

Nitong Nobyembre 12 (Martes), kinilala ng FDCP at FAP ang 16 na pelikula bilang nominado sa ika-37 Luna Awards. Nanguguna ang Signal Rock ni Chito Roño at ang Liway ni Kip Oebanda na parehong may siyam na nominasyon kabilang na ang Best Motion Pucture.

Bukod sa Best Motion Picture, nakamit din ng Signal Rock at Liway ang parehong nominasyon para sa Best Director para kina Roño at Oebanda, ayon sa pagkakasunod, at ilan pa sa technical categories.

Ang iba pang nangunguna para sa Luna Awards ngayong taon ay ang Buy Bust ni Erik Matti at Goyo: Ang Batang Heneral ni Jerrold Tarog. Walo ang nominasyon ng Buy Bust, kabilang ang Best Motion Picture, Best Director para kay Matti, at Best Supporting Actor para kay Arjo Atayde.

May walo ring nominasyon ang Goyo: Ang Batang Heneral, tulad ng Best Motion Picture, Best Supporting Actor para kay Carlo Aquino, at Best Supporting Actor para kay Epy Quizon. Para sa Special Awards, pinili ng Luna Awards Board of Governors ang dalawang yumaong direktor, isang beteranang aktres, at isang tanyag na producer. Sila ay sina Wenn Deramas at Soxie Topacio para sa Lamberto Avellana Memorial Award (Posthumous Award), ang nominado para sa Best Supporting Actress na si Nova Villa para sa Manuel de Leon Exemplary Award, at Lily Monteverde, na mas kilala bilang “Mother Lily” ng Regal Films, para sa Fernando Poe, Jr. (FPJ) Lifetime Achievement Award.

Magtitipun-tipon ang mga natatanging nominado sa Nominees’ Night sa Nobyembre 20, Miyerkules, sa DELGADO 112 Strift,sa 112-Tomas Morato Ave.,Quezon City. Magpapatuloy ang pagdiriwang sa 2019 Luna Awards Night sa Nobyembre 30, Sabado, sa Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Isa sa mga inaabangan sa Luna Awards Night ang espesyal na segment para “Sine Sandaan” na tungkol sa Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino (100 Years of Philippine Cinema). Ito ay ipinagdiriwang mula Setyembre 12, 2019 hanggang Setyembre 11, 2020 ayon sa Proklamasyon ng Pangulo Blg. 622, s. 2018. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Luna Awards at ng mga paparating pang kolaborasyon, ipinapangako ng FDCP at FAP na ipagpapatuloy nila ang pagtataguyod sa Pelikulang Pilipino para lalo itong umunlad sa pagdiriwang ng sentenaryo nito.

Nasa ibaba ang listahan ng mga opisyal na nominado para sa ika-37 na Luna Awards:

BEST MOTION PICTURE

Liway (Exquisite Aspect Ventures, VY/AC Productions at Cinemalaya)

Buy Bust (Viva Films at Reality Entertainment)

Signal Rock (CSR Productions)

Goyo: Ang Batang Heneral (TBA Studios at Globe Studios)

Gusto Kita with All My Hypothalamus (Epicmedia Productions, CineFilipino, Unitel at Cignal Entertainment)

BEST DIRECTOR

Chito Roño (Signal Rock)

Dwein Baltazar (Gusto Kita with All My Hypothalamus)

Erik Matti (Buy Bust)

Kip Oebanda (Liway)

Irene Villamor (Meet Me in St. Gallen)

BEST ACTOR

Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset)

Christian Bables (Signal Rock)

Nicco Manalo (Gusto Kita with All My Hypothalamus)

Daniel Padilla (The Hows of Us)

Dingdong Dantes (Sid & Aya)

BEST ACTRESS

Angelica Panganiban (Exes Baggage)

Glaiza de Castro (Liway)

Ai Ai delas Alas (School Service)

Anne Curtis (Sid & Aya)

Agot Isidro (Changing Partners)

BEST SUPPORTING ACTOR

Arjo Atayde (Buy Bust)

Soliman Cruz (Liway)

Carlo Aquino (Goyo: Ang Batang Heneral)

Epy Quizon (Goyo: Ang Batang Heneral)

Mon Confiado (Signal Rock)

BEST SUPPORTING ACTRESS

Aiko Melendez (Rainbow’s Sunset)

Daria Ramirez (Signal Rock)

Max Collins (Citizen Jake)

Nova Villa (Miss Granny)

Sunshine Dizon (Rainbow’s Sunset)

BEST SCREENPLAY

Carmi Raymundo, Gillian Ebreo, Crystal San Miguel at Cathy Garcia-Molina (The Hows of Us)

Rodolfo Vera (Signal Rock)

Rodolfo Vera at Jerrold Tarog (Goyo: Ang Batang Heneral)

Irene Villamor (Meet Me in St. Gallen)

Zig Dulay at Kip Oebanda (Liway)

BEST SOUND

Albert Michael Idioma at Alex Tomboc (Goyo: Ang Batang Heneral)

Albert Michael Idioma at Alex Tomboc (Signal Rock)

Whannie Dellosa at Steven Vesagas (Buy Bust)

Axel Fernandez (Gusto Kita with All My Hypothalamus)

Jason Conanan, Mikko Quizon at Kat Salinas (Meet Me in St. Gallen)

BEST PRODUCTION DESIGN

Michael Español at Roma Regala (Buy Bust)

Aped Santos (Liway)

Mark Sabas (Signal Rock)

Roy Lachica (Goyo: Ang Batang Heneral)

Maolen Fadul (Gusto Kita with All My Hypothalamus)

BEST CINEMATOGRAPHY

Neil Derrick Bion (Buy Bust)

Neil Daza (Gusto Kita with All My Hypothalamus)

Pong Ignacio (Liway)

Neil Daza (Signal Rock)

Tey Clamor (Ang Babaeng Allergic sa WiFi)

BEST MUSICAL SCORE

Jerrold Tarog (Goyo: Ang Batang Heneral)

Malek Lopez at Erwin Romulo (Buy Bust)

Emerzon Texon (Meet Me in St. Gallen)

Nhick Ramiro Pacis (Liway)

Emerzon Texon (Ang Babaeng Allergic sa WiFi)

BEST EDITING

Jay Halili (Buy Bust)

Marya Ignacio at Noemi Paguiligan (The Hows of Us)

Maynard Pattaui at Edlyn Tallada-Abuel (Ang Dalawang Mrs. Reyes)

Chuck Gutierrez (Liway)

Jerrold Tarog (Goyo: Ang Batang Heneral)

SPECIAL AWARDS:

Fernando Poe, Jr. (FPJ) Lifetime Achievement Award

Bb. Lily Monteverde

Manuel de Leon Award for Exemplary Achievements

Bb. Nova Villa

Lamberto Avellana Memorial Award

Direktor Wenn Deramas

Direktor Soxie Topacio

-Ador V. Saluta

Source: Balita.net.ph