TAMPOK ang pinakamahuhusay at pamosong local mixed martial arts fighters sa “Mano-Mano: Battle of the Strikers” na gaganapin sa Nobyembre 25 sa Dumaguete City.

MASAYANG nakiisa ang mga miyembro at opisyal ng TOPS kina National soft tennis players (mula sa kaliwa) Joseph Arcilla, Bien Zoletra-Manalac, coach Roel Licayan, kickboxing promoter Ed Dames, fighters John “The Punisher” Vallega at Janito “Optimum Prime” Blanca.

MASAYANG nakiisa ang mga miyembro at opisyal ng TOPS kina National soft tennis players (mula sa kaliwa) Joseph Arcilla, Bien Zoletra-Manalac, coach Roel Licayan, kickboxing promoter Ed Dames, fighters John “The Punisher” Vallega at Janito “Optimum Prime” Blanca.

Isasagawa ang torneo bilang bahagi sa pagdiriwang ng kapistahan sa tinaguriang ‘City of Gentle People’.

“We’re bringing exciting muaythai action for the first time in Dumaguete, the “City of Gentle People,” pahayag ni DTC Events Chairman Ed Dames sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

Ayon kay Dames, ang “Mano-Mano; Battle of the Strikers” ay kasunod sa matagumpay na isinagawang Mano-Mano competition sa Philsports Arena (formerly ULTRA) noong 2004.

“Exactly 15 year ago, we’ve organized the first–ever Mano-Mano at the ULTRA, which followed the K-1 rules and featured the best strikers from all over the country, representing boxing, karate, kuntaw,yaw-yan, taekwondo, sikaran, sanda and muaythai,” pahayag ni Dames sa lingguhang public service program na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

“Today, muaythai forms the pillar of the striking discipline in mixed martial arts,” ayon kay Dames, organizer din ng first-ever professional muaythai competition nitong Marso 27 sa Metrowalk sa Pasig City.

Tampok na fighters sa main event sina veteran Janito “Optimum Prime” Blanca ng Leyte at Jason”The Mutant” Vedana ng Cabanatuan City sa programa na inorganisa ng DTC at PhilThaiboxing Association of the Philippines sa pakikipagtulungan ng Dumaguete Citry government, sa pamumuno ni Mayor Ipe Remollo,

Sabak din sina John “The Punisher” Vallega ng Dumaguete at Edyson “Knockout Artist” Serrano ng Zamboanga sa isa pang main event sa promosyon na suportado ng Bethel Guest House (official hotel), Tactic (official fight gear), iConcepts at San Miguel Beer.

Ang torneo ay may basbas ng Games and Amusements Board (GAB).

Para sa karagdagang impormasyon hingil sa torneo, makipag-ugnayan kay Dames sa mobile no. 0920-9543599.

Source: Balita.net.ph