Uulanin sa susunod na mga oras ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 12:42 ng umaga ng Biyernes, Nov. 1 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Batangas, Rizal at Quezon.

Pinayuhan ang publiko na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides na maaring maidulot ng mararanasang malakas na buhos ng ulan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source: Radyo Inquirer 990AM