
Nagsimula nang kumapal ang mga sasakyang bumibiyahe sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX), Linggo ng hapon.
Ito ay kasabay ng inaasahang pagbuhos ng mga motoristang pabalik ng Metro Manila galing sa iba’t ibang lalawigan matapos ang paggunita ng Undas.
Batay sa post ng NLEX Corporation sa Twitter, unti-unti nang dumarami ang mga motorista sa kahabaan ng San Fernando hanggang Bocaue bandang 1:36 ng hapon.
Makikita na mabigat na ang daloy ng trapiko sa bahagi ng Bocaue toll plaza.
Wala pa namang nararanasang pagsisikip ng trapiko sa Taal Bridge, Balagtas Bridge at San Fernando.
Samantala, sinabi naman ng Manila Toll Expressway Systems, Inc. na heavy traffic na ang nararanasan sa Alabang viaduct northbound bandang 2:10 ng hapon.
Maluwag pa naman ang bahagi ng Ayala at Calamba toll plaza.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
Source: Radyo Inquirer 990AM
0 Mga Komento