NAIPUWERSA ng University of Santo Tomas Golden Tigers ang stepladder semifinals match laban sa No.2 seed University of the Philippines Maroons sa ‘winner-take-all’ sa impresibong 89-69 panalo nitong Linggo sa UAAP Season 82 Men’s Basketball sa Smart Araneta Coliseum.
Pinangunahan ni ‘Rookie of the Year’ Mark Nonoy ang hataw ng Growling Tigers sa naiskor na 16 puntos, apat na rebounds, apat na assists, at dalawang steals.
Gaganapin ang ‘do-or-die’ Game 2 bukas.
“It’s all about execution: execution both on offense and defense,” pahayag ni UST coach Aldin Ayo. “We executed our gameplan and lahat ng instructions ko, sinusunod ng mga players.”
Hataw din si MVP Soulemane Chabi Yo na kumana ng 17 puntos, 15 boards, apat na steals, at dalawang assists, habang tumipa si Rhenz Abando ng 17 puntos, pitong boards at tatlong blocks.
Nag-ambag si Sherwin Concepcion ng 12 puntos mula sa 4-of-8 sa three-pointer, habang kumasa sina CJ Cansino na may 11 puntos at tatlong rebounds at humirit si Renzo Subido ng 12 assists at walong puntos.
Sa mainit na outside shooting, nagawang makaabante ng Golden Tigers sa 50-31 at matikas na naisalba ang bawat pagtatangka ng Maroons na makabalik sa laro na sinaksihan ng nagbubunying crowd na umabot sa 17,722 sa Big Dome.
Nanguna su Juan Gomez de Liano sa UP na may season-high 20 puntosm habang kumana si Bright Akhuetie ng 19 puntos at 18 rebounds.Nalimitahan naman si Kobe Paras sa siyam na puntos sa mababang 4-of-13 shooting.
Iskor:
UST (89) — Abando 17, Chabi Yo 17, Nonoy 16, Concepcion 12, Cansino 11, Subido 8, Ando 4, Huang 2, Paraiso 2, Bataller 0.
UP (69) — Ju. Gomez de Liano 20, Akhuetie 19, Rivero 12, Paras 9, Webb 4, Ja. Gomez de Liano 3, Tungcab 2, Jaboneta 0, Mantilla 0, Manzo 0, Murrell 0, Prado 0, Spencer 0.
Quarterscores: 19-13, 41-24, 60- 47, 89-69.
Source: Balita.net.ph
0 Mga Komento