KALABOSO ang apat katao at narekober umano sa kanila ang P600,000 halaga ng marijuana sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Quezon City kagabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Ilannie Reyes, 48, ng Las PiƱas, Christian Rosal, 33, Timothy Zaerous, 22, at Abdul Alimad, 25, mga residente ng Cavite.

Nahuli ang mga suspek alas-11 ng gabi sa kanto ng Denver at New Orleans sts., Brgy. Pinagkaisahan.

Nakuha umano sa kanila ang pitong sachet ng marijuana na tumitimbang ng limang kilo, dalawang plastic sachet na naglalaman ng 10 gramo ng kush, at isang sachet na mayroong white mushroom.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source: Inquirer Bandera