Walang kahirap-hirap na nakalusot sa Senado ang P664.8 million budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa taong 2020.

Wala sinuman sa mga senador ang nag-kwestyon nang iprisinta ni Senator Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance ang budget para sa tanggapan ni Vice President Leni Robredo.

At dahil walang senador na nagnais mag-interpellate, agad naaprubahan ang budget.

Present sa Senado si Robredo sa ginawang budget approval.

“Parati namang may expectation na ganon everytime na may budget hearing pero nagpapasalamat tayo na hindi naman nahirapan yung pag-approve nung budget,” ayon kay Robredo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source: Radyo Inquirer 990AM