NANG ipadala nang kaibigan naming nasa Nevada ang litrato ni Piolo Pascual na kuha sa isang pribadong Halloween costume party sa isang hotel ay inakala namin na ang anak niyang si Iñigo. Sabi pa nga namin sa nagpadala na, ‘kamukha talaga niya tatay niya.”

PIOLO

“Ano ba, si Piolo nga ‘yan, hindi naman si Iñigo,”sabi kaagad.

Sabay titig, oo nga, si Papa P pala ang naka-costume at mukha siyang bata pa, fresh na fresh.

Base sa kuwento ay mga kaibigan ni Piolo ang mga kasama niya at walang nabanggit na special date.

Anyway, ang dami raw nagpa-picture sa aktor at talagang blockbuster ito, “ang bait-bait ni Papa P.”

Maski naman dito kahit ilang beses siyang nakikita sa presscon ay marami pa ring nagpapa-picture na taga media.

-Reggee Bonoan

Source: Balita.net.ph