NAKABALIK ang San Beda sa kampeonato matapos padapain ang Season 93 titlist College of St. Benilde-La Salle Green Hills, 82-79 kahapon sa Final Four ng NCAA Season 95 Juniors Basketball Tournament sa Cuneta Astrodome.

NAIPIT sa depensa nina CSB-LSGH JC Macalalag at Jan Manasala si San Beda’s Charles Delfino na nagtangkang makaiskor sa isang tagpo ng kanilang laro sa NCAA Season 95 juniors’ semifinal playoffs nitong Martes sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. (NCAA PHOTO)
Nagposte si Yukien Andrada ng 23 puntos at 10 rebounds habang tumapos sina Rhayyan Amsali at Justine Sanchez ng double-double upang tulungan ang Red Cubs na makopo ang unang Final berth mula ng huli silang umusad ng championship noong Season 92.
“Sila yung mga beterano sa team kaya dapat talagang magpakita silang ‘di nape-pressure sa endgame,” pahayag ni San Beda head coach Manu Inigo.
Patas ang iskor sa 76-all, kinumpleto ni Andrada ang isang 3 point play upang ibigay sa San Beda ang 79-76 na bentahe.
Kasunod nito, nagtulong sila ni Sanchez upang madepensahan si Kobe Palencia bago muli siyang nagawaran ng dalawang freethrows upang itaas sa 81-76 ang kanilang lamang, may natitira na lamang 20.4 segundo sa laro.
“Siyempre, thankful kami kay God kasi matagal-tagal nang ‘di nakakarating sa Finals ang San Beda,” dagdag ni Iñigo.
Naging malaking kawalan para sa LSGH ang kanilang main man na si RC Calimag na di nakalaro dahil sa injury.
Nanguna para sa Junior Blazers si JC Macalalag na may 23 puntos at 6 na rebounds.
-Marivic Awitan
“We’re very happy that we are back in the Finals.But we’re not done yet, the work is not finish for us. Our goal is to win the championship,” aniya.
Ang best-of-three championship series ay magsisimula sa Martes sa MOA Arena sa Pasay City. Tangan ng Junior Pirates, ang twice-to-beat bonus, laban sa Staglets sa hiwalay na semifinal playoffs.
Iskor:
SAN BEDA (82) – Andrada 23, Amsali 12, Sanchez 10, Alao 10, Ynot 8, Alcantara 5, Delfino 5, Valencia 4, llanera 3, Cabanero 2, Oftana 0.
CSB-LSGH (79) – Macalalag 23, Manansala 18, Palencia 13, Quiambao 10, Reyes 8, Arguelles 4, Estil 2, Oanlilio 1, Arciaga 0, Dimaunahan 0, Torrijos 0.
Quarters: 20-15; 35-31; 59-55 82-79.
Source: Balita.net.ph
0 Mga Komento