LOS ANGELES (AP) — Nagbalik sa San Antonio ang dating Spurs na si Kawhi Leonard. Bilang isang Clippers star, nagsalansan ang last season Finals MVP ng 38 puntos para sandigan ang Los Angeles sa 103-97 panalo kontra Spurs nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

MATIKAS ang laro ni Kawhi Leonard ng Los Angeles Clippers laban s adatring koponan na San Antonio Spurs. (AP)
Kumubra rin si Leonard ng 12 rebounds para sa unang double-double performance laban sa dating koponan na pinaglaruan niya ng pitong season (2011-18).
Dikdikan ang laban sa unang half bago nakontrol ng Clippers ang tempo ng laro sa 9-1 runn para sa 64-55 bentahe may 6:55 ang nalalabi sa third period.
Nakalapit ang San Antonio sa 80-75 sa pagtatapos ng third period, ngunit humnataw ang Clippers ng 11 puntos, siyam mula kay Leonard para tuluyang makalayo.
Nanguna si DeRozan, Los Angeles native, sa San Antonio na may 29 puntos, habang tumipa si Derrick White ng 20 puntos.
PELICANS 122, NUGGETS 107
Sa New Orleans, hataw si Jahlil Okafor sa naiskor na 26 puntos, habang tumipa si Brandon Ingram ng 25 puntos sa panalo kontra Denver Nuggets.
Naitala ni Ingram ang ikalimang sunod na 22 puntos o higit pa sa New Orleans mula ang ma-trade ng Los Angeles Lakers.
Nag-ambag si Jrue Holiday ng 19 puntos at pitong assists, habang tumipa si
Frank Jackson ng 21 puntos mula sa 8-of-10 shooting.
Nanguna si Michael Porter Jr. sa Nuggets na may 15 puntos sa kanyang NBA debut. Nag-ambag sina Jamal Murray at Jerami Grant ng tig-14 puntos, habang umiskor si Nikola Jokic ng 13 puntos at anim na rebounds sa Denver (3-2).
EMBIID at TOWNS, SUSPENDIDO
Sa New York, pinatawan ng dalawang larong suspension sina Philadelphia 76ers center Joel Embiid at Minnesota Timberwolves center Karl- Anthony Towns matapos ang kinasangkutang suntukan,ayon kay Kiki VanDeWeghe, Executive Vice President, Basketball Operations.
Naganap ang salyahan, sapakan at hilahan nina Embiid at Towns, parehong Seven-footer, may 6:42 qng nalalabi sa third quarter. Nagwagi ang 76ers’ 117- 95 nitong Oct. 30 sa Wells Fargo Center.
Sisimulan ni Embiid ang parusa sa Sabado (Linggo sa Manila) laban sa Portland Trail Blazers, habang hindi lalaro si Towns sa Nov. 2 laban sa Washington Wizards.
Related
Source: Balita.net.ph
0 Mga Komento