May 1,885 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa na inulat ng Department of Health (DOH) ngayong araw ng Pasko.

Dahil dito, umakyat na sa 467,601 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus sa atin, kabilang ang 27,748 active case.

130 kaso ang dumagdag sa Quezon City.

Samantala, may 122 bagong kaso sa Bulacan, 99 sa Davao City, 78 sa Rizal, at 63 sa Leyte.

Samantala, Sumirit naman sa 430,791 ang bilang ng mga gumaling sa 307 naitalang new recovery.

Habang sumampa ang death toll sa 9,062 sa pitong indibidwal na nasawi rin dahil sa virus.

Ayon sa DOH, hindi pa kasama rito ang datos ng 15 COVID-19 testing laboratory na late sa pagpasa ng resulta.

The post 1.8K dagdag sa COVID-positive sa PH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1-8k-dagdag-sa-covid-positive-sa-ph/)