Aabot na sa 10 indibiduwal ang nagtamo ng sugat dahil sa mga paputok simula December 21 hanggang December 26.

Ayon sa ulat ng Department of Health, higit itong mababa kumpara noong 2019 na mayroong 15 kaso, at 49 kaso sa five-year average mula 2015 hanggang 2019 sa parehong period.

Tig-dalawa ang Bicol Region at NCR sa nagtala ng mga nabiktima ng paputok, habang isa naman ang napaulat sa mga rehiyon ng Region III, VI, VII, XI, XII at CALABARZON.

Anim dito ay nagkaroon ng blast o burn injury na hindi naman kinailangan maputulan ng bahagi ng katawan, habang apat naman ay mata ang napuruhan.

5-Star ang nangunguna sa mga firework-related injury ngayong taon na nakabiktima ng apat na katao.

Sa mga nasugatan sa paputok, isa lamang ang kinailangang i-admit sa ospital.

The post 5-star namumuro: 10 katao nasabugan ng paputok first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5-star-namumuro-10-katao-nasabugan-ng-paputok/)