Nasa 77,745 pamilyang Navoteño ang tumanggap ng Christmas ham mula sa Navotas City government.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, sa isang press release kahapon, nagbahay-bahay ang mga kawani ng lokal na gobyerno sa mga residente upang ibigay ang Pamaskong Handog para sa mga ito.

“We wanted to make them feel that despite trying times, our city government will strive to make their holiday season a little more cheerful,” aniya pa.

Nagkasa rin ang alkalde ng online games sa kanyang Facebook page para mabigyan ng gadget ang ilang estudyante sa lungsod na nahihirapan sa online class.

“We could not provide gadgets to all our students, but we could give them equal opportunity to win one through games. The games also gave them a chance to nominate other students who do not have their own cellphone.”

“The year 2020 has been difficult for all of us, but we could always help make each other’s burden a little lighter,” punto niya pa.

The post 77K pamilya sa Navotas may pamasko first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/77k-pamilya-sa-navotas-may-pamasko/)