Tadtad ng emoji ang post ni San Juan Mayor Francis Zamora tungkol sa pagpasok ng kanyang tanging babaeng anak sa reality game show na Pinoy Big Brother (PBB).

“It’s official! Amanda Zamora of San Juan City is now a Pinoy Big Brother Housemate ❤️❤️❤️ She will be entering the Bahay ni Kuya very soon 😊😊😊,” wika ng alkalde sa Facebook kagabi kalakip ang 4 larawan ng anak.

“Congratulations my dear daughter! Live your dream and make us all proud! We love you ❤️❤️❤️,” aniya pa.

Nanguna si Amanda, 19, sa KUMUnity Housemate Selection contest para sa tatlong natitirang spot sa magiging PBB housemates sa Enero.

Ayon kay Keri Zamora, asawa ng mayor, pangarap ng anak na makapasok sa PBB mula noong ito ay 13 anyos pa lang.

The post Anak ni Zamora pasok sa PBB first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/anak-ni-zamora-pasok-sa-pbb/)