Hindi nirekomenda ng mga medical expert kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng panibagong lockdown at paghihigpit sa biyahe sakaling pumasok ang mas nakahahawang COVID-19 variant sa bansa.

Taliwas ito sa tinutulak ng government task force na mas mahigpit na restriksiyon, kabilang ang lockdown kung kinakailangan.

Punto ni Dr. Marissa Alejandria ng COVID-19 technical advisory group ng bansa, hindi magiging sustainable sa katagalan ang mga nabanggit na hakbang.

“We would like to clarify that the mode of transmission will be the same — respiratory droplets. This virus, we expect the mutations. To impose the lockdown or travel restrictions will not be sustainable in the long run,” ani Alejandria sa press briefing ni Duterte kahapon hinggil sa bagong COVID-19 variant.

“This virus, ’yung variant, there is no evidence this time or this data that shows it causes the more severe form or mas virulent. Mas mabilis lang ang transmission pero hindi siya nagko-cause ng mas severe disease that will cause the critical form of disease or more hospitalizations. Sa ngayon, hindi pa ’yun nakikita pero mas mabilis lang ang transmission,” punto niya pa.

Sabi naman ni Dr. Edsel Salvana, isang infectious disease expert sa Philippine General Hospital, ang “advanced information” tungkol sa bagong variant ay makatutulong na matugunan ito nang mas mabuti ng gobyerno.

“Sa ngayon, may advance information tayo, so we are already prepared so that we can preempt any kind of spike without resulting [in] drastic measures like lockdown,” dagdag niya.

Nagbabala naman si Dr. Socorro Escalante, ang OIC representative ng ‘Pinas sa World Health Organization, laban sa bagong lockdown. Ang makatutulong aniya ay ang mga public health intervention.

“The WHO recommendation for now is not to restrict travel, but to ensure that our public health interventions are in place and that the country is ready to mitigate any event that the transmissibility of this new strain will come in the country,” sabi ni Escalante.

“In the past nine months, the government has already put all the necessary public health intervention and measures but we have already learned a lot of lessons,” saad niya pa.

Batay sa pag-aaral mula sa United Kingdom, mula 50 percent hanggang 70 percent na mas madaling maipasa ang naturang variant kaysa sa iba pang mga bersyon ng COVID-19 sa bansa.

The post Bagong lockdown sa PH hindi sustainable – mga doktor first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bagong-lockdown-sa-ph-hindi-sustainable-mga-doktor/)