Kaagad na nagpatawag ng pagpupulong si Pangulong Rodrigo Duterte para maaksyunan ang napaulat na bagong COVID-19 strain na nagmula sa United Kingdom.

“Biglaan nagpatawag ng meeting with IATF and infectious disease experts tomorrow si President Duterte to discuss new strain,” ayon kay Senador Bong Go.

Saad din ni Go, gaganapin ang meeting sa MalacaƱang, ibig sabihin ay luluwas na ang Pangulo na kapiling ang pamilya sa Davao City sa selebrasyon ng Pasko.

Pinaniniwalaan na mas nakahahawa ang bagong strain ng COVID-19 na dahilan ng pagsirit ng kaso ng sakit sa South Africa.

Ayon kay British Prime Minister Boris Johnson, hinayag umano ng mga health expert na aabot sa 70 percent mas madaling maipasa ang naturang strain kaysa sa nagdaang bersyon ng COVID-19.

Kaya naman matatandaan na pinag-utos ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease na pagbawalan ang mga flight na magmumula sa UK simula December 24 hanggang 31.

The post Biglaang meeting! Duterte nabulabog ng bagong UK COVID strain first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/biglaang-meeting-duterte-nabulabog-ng-bagong-uk-covid-strain/)