Hindi pinayagan ng Court of Appeals (CA) ang hiling ni Rappler CEO Maria Angelita Ressa na makabiyahe patungong Estados Unidos.

Ayon sa nilabas na resolusyon ng CA, hindi naging sapat ang dahilan ni Ressa para patunayang ‘necessary and urgent’ ang kanyang pagbiyahe sa US.

“Foremost, the document shows that her mother was seen on telemedicine, which literally means healing at a distance. Also, the attending physician attested that her mother tolerated well the procedure performed to her,” lahad sa resolusyon ng korte.

Dumulog si Ressa sa CA na makapunta sa Amerika para bisitahin ang kanyang ina na may breast cancer.

Hindi naman basta makalabas ng bansa si Ressa matapos itong mahatulang guilty sa kasong cyber libel na sinampa ng isang negosyante.

Naghain naman ng motion for reconsideration ang mamamahayag.

The post Biyahe abroad ni Ressa binasura ng CA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/biyahe-abroad-ni-ressa-binasura-ng-ca/)