Naglabas ng bagong single sina Bangtan Sonyeondan (BTS) members Taehyung, o mas kilala bilang V, at Jimin nitong Biyernes.

Ang kanilang Christmas singles ay pinamagatang “Snow Flower” at “Christmas Love.”

Nanuna nang inilabas ni Jimin ang pop song na “Christmas Love” noong Miyerkoles, Disyembre 23, na inilarawan bilang kantang may upbeat at masayang tema.

Tinulngan siya rito ng kapwa niya BTS member na si RM.

Pahayag ni Jimin sa kanilang blog, ang kantang ito ay nagpapaalala sa kanyanng mga karanasan ng pagkabata partikular na ang pagbagsak ng mga nyebe sa kanilang lugar.

Inilabas naman ni V ang romantic pop song na “Snow Flower” gabi bago sumapit ang Disyembre 25.

Sa BTS blog, sinabi ni V na minadali niyang tapusin ang nasabing kanta na may layuning makatulong sa mga tao, partikular na sa Adorable Representative M.C for Youth (ARMY), na kasalukuyang nakararanas ng anxiety at depresyon.

Kamakailan lamang ng talunin ng BTS ang One Direction bilang boyband na may pinakamaraming followers sa Twitter.

The post BTS’ V at Jimin nangaroling sa mga ARMY first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bts-v-at-jimin-nangaroling-sa-mga-army/)