Opisyal nang kumalat ang sakit na COVID-19 sa bawat kontinente sa planetang Earth.

Ayon sa mga Chilean official, nagpositibo sa new coronavirus ang 36 katao na nakadestino sa General Bernardo O’Higgins Riquelme Antarctic base. Itong research station ay matatagpuan sa dulo ng kontinente timog ng Chile.

Kabilang sa mga nahawa ang 26 kasapi ng Chilean army at 10 civilian maintenance personnel.

Napaulat na ayon pa sa mga opisyal, nagsasagawa na ng contact tracing at naka-isolate na ang mga nahawa.

Sa ngayon, walang ibang mga bansa ang nag-ulat ng positibong kaso ng COVID-19 sa Antarctica.

Posibleng mapanganib ang epekto ng pagkalat ng nakahahawang virus sa nasabing kontinente, ayon as USA Today, gayong magkakalapit na nakatira ang mga mananaliksik at iba pang staff tauhan na dahil sa harsh elements at limitadong medical supplies.

The post COVID-19 umabot na sa Antarctica first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-19-umabot-na-sa-antarctica/)