Kala ng kampo ni Xander Ford, prank lang ang reklamo kay Raffy Tulfo, ayon sa dating karelasyon ng social media influencer.

Nang makausap ni Tulfo si Ysah Cabrejas, ang ex-girlfriend ni Xander o Marlou Arizala sa tunay na buhay, sinabi nito na matapos sa kanyang mag-sorry ng isang beses ni Xander ay hindi na ito muli sumamo para iatras ang kaso.

Aniya pa, parang wala lang kay Xander ang paglapit niya sa Tulfo dahil puro post pa ang ang influencer sa TikTok.

“Sana magbago na siya ng tuluyan para sa pamilya niya, kasi ‘yung pamilya niya ‘yung talagang nakakaawa po kasi siya parang wala lang,” ayon kay Ysah sa ‘Idol in Action’.

Nitong Martes ay inaresto si Xander sa Pasay City matapos lumabas ang warrant of arrest sa kasong Anti-Violence Against Women and Children.

Ilan sa mga alegasyon ni Ysah ay ang pananakit at pinilit din umano siyang makipagtalik ni Xander.

Nakawala naman noong Miyerkoles si Xander matapos siyang piyansahan ng kanyang talent agency ng P18,000, ngunit hindi pa tapos ang kalbaryo para sa kanya dahil walang balak si Ysah na iatras ang kaso.

“Hindi ko po iaatras ‘yung kaso… patunayan niya na lang po na wala siya talagang kasalanan para makalaya siya ng tunay,” giit ng dating karelasyon ni Xander.

The post ‘Di sineryoso si Tulfo, puro TikTok lang! Ex-GF ni Xander Ford ‘di iaatras kaso first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/di-sineryoso-si-tulfo-puro-tiktok-lang-ex-gf-ni-xander-ford-di-iaatras-kaso/)