Siniguro ng Department of Interior and Local Government (DILG) na parurusahan ang isang pulis na lumabag sa health protocol.

Saad ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, iimbestigahan si Police Cpl. Randy Baldero sa umano’y pagsuway nito sa mass gathering.

“Makakaasa ang publiko na papanagutin natin itong si Police Cpl. Baldero. Iimbestigahan po ‘yan ng ating kapulisan. Kailangan niyang magpaliwanag kung bakit hindi siya sumunod sa mga health protocols ng IATF,” lahad ni Malaya.

Ito’y matapos na iorganisa umano ng nasabing pulis ang pagtitipon sa Labrador Street sa Olongapo.

“Maliwanag sa ipinadalang larawan na walang mask at walang face shield at walang social distancing na pinapatupad doon sa pagtitipon na ginawa na sinasabing inorganisa ni Police Cpl. Randy Baldero,” dagdag ng DILG official.

Nagpaalala din si Malaya na dapat mga pulis ang unang sumunod sa mga health protocol lalo’t sila ang nagpapatupad nito.

The post DILG: Pulis na pasimuno ng mass gathering mananagot first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dilg-pulis-na-pasimuno-ng-mass-gathering-mananagot/)