Kung si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang tatanungin, dapat na ilatag din sa Philippine National Police ang disiplina ng mga militar.

Aniya, ito’y para agarang mapanagot ang mga pasaway na pulis na magloloko sa serbisyo.

“Why can’t we do it with the policemen because they are imbibed with authority, they are given firepower to enforce the law? I think it’s really incumbent upon us to make sure that those who are given that power and authority are kept in check,” giit ni Biazon sa ANC.

Paliwanag ni Biazon, ang mga pasaway na sundalo ay agad nasisibak sa serbisyo kahit gumugulong pa sa korte ang kaso.

“We can do it with the soldiers, we should also be doing it with the PNP,” dagdag ng kongresista.

Ang mungkahi ni Biazon ay kasunod ng pagkitil ng buhay ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca kina Sonya at Frank Gregorio dahil lamang sa alitan sa pagpapaputok ng boga.

The post Disiplinang militar gayahin sa PNP – Ruffy Biazon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/disiplinang-militar-gayahin-sa-pnp-ruffy-biazon/)