HINIMOK ng Department of Health (DOH) ang mga laboratoryo na huwag magsara kahit ngayong holiday season.

Ito ay para maitala nang tama ang tally ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

Nanawagan si Undersecretary Maria Rosario Vergeire dahil bumababa raw ang bilang ng mga nate-test kada araw.

Nitong Biyernes, 14,196 ang na-test. Samantalang 13,314 at 11,510 naman noongSabado at Linggo.

“There was really minimal submission [on the part of the laboratories] and there were patients who preferred not going to the laboratories during Christmas time. There are also some disease reporting units, like the local government units where we get the specimen, which were closed. It affected the number of cases the past two days so we are trying to ensure and are already advising our laboratories to remain open to continue processing of specimens for COVID-19,” ani Vergeire sa isang panayam.

Kasalukuyang nasa higit 469k na ang nagpositibo sa bansa, higit 431k dito ang gumaling at higit 9k na ang nasawi.

The post DOH sa laboratories: ‘Wag kayo mag-holiday! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-sa-laboratories-wag-kayo-mag-holiday/)