“This Christmas season, let the story of Jesus Christ’s birth remind us that we should always have hope even in darkness, poverty, and suffering.”

Punto ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mensahe sa mga Pilipino ngayong Pasko, Disyembre 25.

Aniya, patuloy na nalalampasan ng madla ang mga sakuna ngayong taon sa pamamagitan ng pagkakaisa at “indomitable spirit” ng mga Pinoy.

“This year has been a trying time for all of us. Many lives were lost and forever changed due to COVID-19 pandemic and several natural calamities. But through it all, we continue to survive and rise because of our unity, strength and indomitable spirit of [the] Filipinos,” wika ni Duterte sa recorded video na nilabas ng Palasyo.

Nanawagan din siyang magbigay-pagmamahal at tulong hindi lang sa mga mahal sa buhay kundi maging sa mga taong nangangailangan.

“Let us also allow Christ into our lives so that we could bring love and cheer not only to our families and friends, but also to those who are most in need,” banggit ng Pangulo.

“May we all have a meaningful celebration and let us be hopeful of the better days ahead. Maligayang Pasko sa ating lahat,” aniya pa.

The post Duterte: Dapat laging may pag-asa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-dapat-laging-may-pag-asa/)