Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na kung hindi mabibigyan ng Amerika ang Pilipinas ng bakuna kontra COVID-19, tuluyan niya nang ibabasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa nasabing bansa.

“Kung hindi sila maka-deliver ng maski a minimum of 20 million vaccines, they better get out. No vaccine, no stay here,” ani Duterte sa pulong sa Palasyo kagabi, na umani ng palakpak mula sa Gabinete niya.

“If America wants to help – deliver. Stop talking. What we need is the vaccine, not your verbose speeches,” saad niya pa.

Matatandaang pinag-utos ni Duterte ang pagwawakas ng VFA noong Pebrero, kaya hanggang Agosto na lang ang kasunduan.

Pero dalawang beses niyang sinuspinde ang 6-buwang countdown, noong Hunyo at Nobyembre, kaya epektibo uli itong military agreement hanggang sa susunod na taon.

Sa ilalim ng VFA, pinapayagan ang mga sundalong Amerikano na magsagawa ng military exercise sa Pilipinas.

The post Duterte sa US: Walang COVID vaccine, walang VFA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-sa-us-walang-covid-vaccine-walang-vfa/)