Sumakabilang-buhay ang dating Cebu fourth district congressman na si Benhur Salimbangon.

Ayon sa Facebook post ni Francis, anak ng dating mambabatas, bandang alas-3 ng hapon pumanaw ang kanyang ama nitong Huwebes, bisperas ng Pasko.

Ito’y matapos ang pakikipaglaban ni Salimbangon sa sakit na lung cancer.

“Up until his last breath, Congressman Benhur fought a good fight, but now God has him back in his kingdom as His warrior,” saad ni Francis.

Si Salimbangon ang ikatlong mambabatas mula Cebu na pumanaw ngayong taon, sinundan sina dating Cebu City Rep. Antonio Cuenco at Raul del Mar.

The post Ex-Cebu Rep. Salimbangon pumanaw na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ex-cebu-rep-salimbangon-pumanaw-na/)