Kinumpirma ni dating Senador JV Ejercito na nagkaroon ng COVID-19 ang kanyang ina na sa dating San Juan City Mayor Guia Gomez.

Nilarawan ni JV na ‘best gift’ ang paggaling ng kanyang nanay mula sa sakit.

“It may not be the usual best time of the year, nor the best birthday celebration, but one of the best gifts was given to me because it was an answered prayer,” lahad ni JV sa kanyang tweet.

Sinabi din nito na makauuwi na ngayong araw si Gomez matapos itong makarekober sa pagtama ng new coronavirus.

“My mother is finally going home today and has survived COVID,” dagdag ng dating mambabatas.

Magandang regalo din ito para sa kaarawan ni Ejercito, na pinagdiriwang ang kanyang ika-51 kaarawan ngayong Sabado, December 26.

The post Ex-San Juan mayor Guia Gomez gumaling sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ex-san-juan-mayor-guia-gomez-gumaling-sa-covid/)