Pumanaw na ang 12-time NBA champion na si KC Jones ayon sa anunsyo ng Boston Celtics.

Siya ay edad 88.

Naglaro ng siyam na season si KC sa NBA, lahat dito ay nagmula sa Celtics kung saan nagwagi siya ng walong kampeonato bilang top point guard ng koponan.

Matapos ang playing career, naging coach para sa Celtics si Jones kung saan tatlo pang tropeo ang nadagdag sa kanyang pangalan.

Nang lumipat sa Lakers noong 1972 bilang assistant coach, nakasungkit din ito ng kampeonato.

Hindi makikita sa kanyang statistics ang ambag ni Jones sa Celtics, ngunit isa siya sa mga nagpahirap kina Jerry West at Oscar Robertson dahil sa matinding depensa.

Noong 1989, ginawaran siya ng Pro Basketball Hall of Fame at ang kanyang No. 25 ay niretiro ng Celtics.

The post Hall of Famer KC Jones sumakabilang-buhay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hall-of-famer-kc-jones-sumakabilang-buhay/)