Smuggled ang ginamit na bakuna kontra coronavirus ng security group ni Presidente Rodrigo Duterte, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

“Yes, it’s smuggled. Kasi hindi authorized na pumasok dito. Only the government can authorize that through the FDA (Food and Drug Administration),” wika ng kalihim sa Rizal Day celebrations sa Manila ngayong Miyerkoles, Disyembre 30.

Ayon kay Lorenzana, hindi awtorisado ang pagbabakuna sa mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG).

Hindi rin daw niya alam sino nag-donate ng mga bakuna, na sinasabing dinebelop ng Sinopharm.

“Basta alam namin noon, ang rumors na kumakalat ay nagpabakuna na ‘yong PSG. Who authorized it, hindi naman kami nagtanong,” punto ni Lorenzana.

“Ngayon pa lang lumalabas ‘yong facts na ‘yan ay hindi pa pala authorized na vaccine sa Pilipinas,” dagdag niya.

Una nang sinabi ni PSG chief Jesus Durante na nagsimula noong Setyembre ang pagtuturok at ang huling batch ay noong Oktubre.

Itong pag-amin ni Lorenzana ay sumasalungat sa ginigiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “donated” ang mga bakuna na tinurok sa ilang sundalo.

The post Lorenzana: COVID vaccine ng PSG smuggled first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lorenzana-covid-vaccine-ng-psg-smuggled/)