Tumataginting na $22M o katumbas ng P1.05B ang naging presyo ng Neverland Ranch ng yumaong ‘King of Pop’ na si Michael Jackson.

Ngunit base sa mga report, mababa pa ito sa mga nagdaaang presyo ng malaking mansyon ni MJ.

Aabot sa 1,100 ektarya ang sakop na lupa ng Neverland Ranch, at noong 2015 ay umabot ang halaga nito sa $100M.

Ang bagong may-ari ng manson ay si Ron Burkle, isang bilyonaryong negosyante na kaibigan ni Jackson.

1987 nabili ng pop icon ang naturang mansyon sa halagang $19.5M, at ginawang entertainment complex ang naturang lugar para sa mga bata.

Nabalot ng kontrobersya ang Neverland nang paratangan si MJ ng pangmomolestiya sa mga bata, ngunit napawalang sala din.

Dahil dito, hindi na muling tumira si Jackson sa Neverland buhat noong 2005, hanggang sa pumanaw ito apat na taon ang nakalipas dahil sa drug overdose.

The post Mansyon ni Michael Jackson nabenta ng P1 bilyon! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mansyon-ni-michael-jackson-nabenta-ng-p1-bilyon/)