Huli sa akto ni misis ang mister niyang may kalaguyo kaya imbes na sabunutan ito, pinahuli niya ang dalawa sa pulsiya sa Santiago City.

Dinakip ng mga tauhan ng Presinto Uno ang mga inaresyong tinago sa pangalang Ronald, isang negosyante, at Shane na residente mg Isabela.

Itinago naman sa pangalang Myrna ang legal na misis.

Ayon sa ulat, nahuli ni Myrna si Ronald at Shane nang magkasama sa bahay mismo ng kanilang asawa.

Nagtungo si Myrna sa presinto upang ipadakip ang dalawa.

Agad namang tumungo ang mga pulis at hinuli ang dalawa.

Base sa imbestigasyon, 2018 pa nagsimulang magkaroon ng relasyon ang dalawa.

Kasalukuyang nahaharapnsa kasong Anti Violence Against Women and Their Children ang dalawa.

Haharap din si Ronald sa kasong paglabag sa Anti zillgegal zlogging Act dahil sa hinihilang pagputol noya sa G-Melina.p

The post Mister at kabit pinakulong ni misis! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mister-at-kabit-pinakulong-ni-misis/)