Nilarawan ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez na ‘COVID theater’ ang paggamit ng meter stick bilang pangontra sa new coronavirus.

“Footbaths … face shields … now meter sticks. COVID theater,” lahad ng tagapagsalita ng Comelec.

Matatandaan na pinag-usapan sa social media ang pagdadala ni Health Secretary Francisco Duque III ng meter stick sa Taguig para ipaalala ang social distancing sa mga mamimili.

Patama ni dating special adviser ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na si Dr. Tony Leachon, kaya umano naging mahaba ang lockdown sa bansa ay dahil mali ang stratehiya ng Pilipinas sa paglaban sa COVID-19.

“Sec. Duque is busy doing photo op rounds with a ruler for social distancing measures, while the rest of the world is busy vaccinating their people,” giit ni Leachon.

“Talking about strategic planning and big picture thinking. That’s why we have the longest lockdown on earth,” aniya pa.

The post Nagparinig kay Duque? Comelec spox dismayado sa meter stick kontra COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nagparinig-kay-duque-comelec-spox-dismayado-sa-meter-stick-kontra-covid/)