Pumanaw ang pamangkin ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta matapos umano itong turukan ng bakuna kontra-dengue na Dengvaxia.

“Rest in peace my nephew. 😭😭😭😭 Justice will be done,” ani Acosta sa Facebook kahapon.

“Dengvaxia dead victim no. 161,” dagdag niya.

Tinukoy ni Alexis Sulit ng PAO forensic laboratory ang yumao na si Sam Gabriel Mendoza, 14, na pumanaw noong Sabado sa Maheseco Hospital, Bataan.

Dagdag niya, kahapon in-autopsy ng PAO forensic team ang labi ni Mendoza.

Doon napag-alaman na magkatulad ang autopsy results ng pamangkin ni Acosta sa iba pang bata na pumanaw matapos mabakunahan ng Dengvaxia.

Ang sanhi ng pagpanaw ni Mendoza ay cerebral hemorrhage, edema at pulmonary hemorrhage, saad pa ni Sulit

The post Pamangkin ni Acosta dedo dahil umano sa Dengvaxia first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pamangkin-ni-acosta-dedo-dahil-umano-sa-dengvaxia/)