Inalay ni Pope Francis ang kanyang mensahe sa Kapaskuhan para sa mga Pinoy na dumaan sa matinding unos dahil sa kalamidad.

Sa kanyang taunang mensahe tuwing Pasko, pinagdasal nito ang mga Pinoy kasama ang mga Vietnamese na sinalanta ng matinding bagyo.

“May the King of heaven protect all victims of natural disasters in Southeast Asia especially in the Philippines and Vietnam where numerous storms have caused flooding with devastating repercussions on people in terms of loss of life harm to the environment and consequences for local economies,” ayon sa Santo Papa.

Inalala din ni Pope Francis ang mga tao na sinusubok ngayong COVID-19 pandemic, kasama na ang mga nawalan ng trabaho at biktima ng karahasan.

Nakiusap naman ang lider ng Simbahang Katoliko sa mga tagapamuno ng bawat bansa na sana’y lahat ng nasyon ay magkaroon ng COVID-19 vaccine.

The post Pope Francis pinagdasal mga Pinoy na sinalanta ng bagyo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pope-francis-pinagdasal-mga-pinoy-na-sinalanta-ng-bagyo/)