Nadiskubre ng isang lalaki ang isang sanggol na iniwan sa tambakan ng basura sa Cebu dahil sa tulong ng isang aso.

Ayon sa Sibonga Police, natagpuan umano ni motorcycle rider Junrell Revilla ang sanggol sa dumpsite sa Barangay Magcagong, Sibonga noong bisperas ng Pasko.

Nang mapadaan si Revilla ay todo tahol daw sa kanya ang isang itim na aso.

Nagdesisyon ang rider na sundan ang aso na tila ginagabayan siya papunta sa dumpsite.

Doon na natagpuan ni Revilla ang baby, na balot ng brown na tuwalya at katabi ang itim na plastic bag na naglalaman ng placenta nito.

Naiwan pa ang umbilical cord ng sanggol, sabi ng pulisya.

Dinala ni Revilla ang sanggol sa isang ospital para masuri.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng Sibonga Municipal Social Welfare and Development Office ang baby. Hinahanap naman ng pulisya ang magulang nito.

The post Salamat sa aso, baby natagpuan sa dumpsite first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/salamat-sa-aso-baby-natagpuan-sa-dumpsite/)