100 pamilya ang naapektuhan sa sunog na sumiklab kagabi sa Purok 2 sa Barangay Culiat, Quezon City.

Napaulat na nagsimula ang sunog pasado alas-otso ng gabi, Disyembre 29, sa 2-palapag na bahay na gawa sa light materials.

Ayon sa TXTFire Philippines, umabot hanggang ikalimang alarma ang pagliyab alas-9:02 ng gabi, at naideklarang fire out alas-10:07 ng gabi.

Napaulat na hindi bababa sa 50 bahay ang natupok ng apoy.

Wala namang naitalang nasugatan o namatay sa sunog.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ang sanhi ng naturang pagliyab.

The post Sunog sa QC umabot sa 5th alarm; 100 pamilya apektado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sunog-sa-qc-umabot-sa-5th-alarm-100-pamilya-apektado/)