Hindi papapasukin sa Pilipinas ang mga biyahero mula sa mga bansang napasok na ng bagong COVID-19 variant.

Ayon pa kay Health Secretary Francisco Duque III ngayong Martes, sa isang ulat, ang suspensiyon ay magtatagal mula Disyembre 30, 2020 hanggang Enero 15, 2021.

Punto ng kalihim, hindi kasama sa travel ban ang mga uuwing overseas Filipino worker (OFW).

Ilan sa mga bansang may presensya na ng bagong variant ang South Korea, Norway, Japan, Sweden, France, Spain, Denmark, Italy, Australia, at Netherlands.

The post Travel ban ng PH sa mga may bagong COVID pinatupad first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/travel-ban-ng-ph-sa-mga-may-bagong-covid-pinatupad1/)