Tinanong ang Department of Health (DOH) kung kabilang na ba ang Amerika sa travel ban ng Pilipinas sa mga bansang may presensya na ng bagong COVID-19 variant.

Natagpuan na kasi ang bagong variant sa Estados Unidos.

“The policy is yes, isasama natin pansamantala. Remember, this is not a permanent ban. This is only temporary ban to give us time to assess our situation and to check whether this new variant has already arrived in the Philippines or not yet,” tugon ni DOH Secretary Francisco Duque III sa isang online press briefing ngayong Miyerkoles.

“We will wait for the US to officially notify to the WHO IHR or official announce[ment] by their government regarding this new strain identified in Colorado, before we include in our official list,” sagot naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Matatandaang 20 bansa na ang sakop ng travel ban ng Pilipinas laban sa pagpasok dito ng bagong virus variant.

The post Travel ban sakop US? Duque, Vergeire magkaiba sagot first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/travel-ban-sakop-us-duque-vergeire-magkaiba-sagot/)