Hindi na inaasahan ng state weather bureau na may tatama pang bagyo sa bansa sa mga natitirang araw ng taon.

“For the next three days hanggang sa katapusan ng taon na ito ay wala tayong inaasahang bagyo,” sabi ni Pagasa weather forecaster Chris Perez sa isang panayam, Lunes.

“Subalit posibleng magkaroon ng bugso ng amihan that will initially affect the northern Luzon area beginning Wednesday po,” dagdag niya.

Samantala, nagpapaulan pa rin sa ilang bahagi ng Luzon ngayong Lunes ang dalawang low pressure area sa loob ng Philippine area of responsibility.

Ang unang LPA ay huling namataan sa silangang bahagi ng Baler, Aurora, habang ang pangalawa ay sa northwest ng Puerto Princesa City, Palawan.

The post Wala nang inaasahang bagyo sa 2020 – Pagasa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/wala-nang-inaasahang-bagyo-sa-2020-pagasa/)