Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Zambales ngayong Martes.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig alas-1:57 ng umaga, Disyembre 29, sa 14 kilometro southwest ng bayan ng Iba.

May lalim ito na 32 kilometro at tectonic ang origin.

Wala namang inaasahang pinsala at mga aftershock matapos ang lindol, sabi pa ng Phivolcs.

The post Zambales inuga ng magnitude 4.2 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/zambales-inuga-ng-magnitude-4-2/)