Sabi ni Senador Miguel Zubiri, naiintindihan niya ang pagbabanta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos hinggil sa COVID-19 vaccine.

Sa pulong sa Palasyo kagabi, sinabi ni Duterte na kung hindi mabibigyan ng Amerika ang Pilipinas ng bakuna kontra COVID-19, tuluyan niya nang ibabasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa nasabing bansa.

“Ang problema kasi natin, buong mundo, may COVID-19. So buong mundo, naghahanap [ng bakuna]. Nararamdaman ko frustration ng Pangulo, bilang senior citizen alam ko po ang feeling ng desperation,” bigkas ng senador sa isang panayam.

“Siguro medyo naunahan na tayo ng ibang bansa, kaya nakikita ko ang frustration ng Pangulo,” aniya pa.

Una nang sinabi ni Philippine Ambassador to the US Babe Romualdez na titiyakin ng American company Pfizer na magbigay ng suplay ng COVID-19 vaccine nito sa ‘Pinas.

The post Zubiri dama desperasyon ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/zubiri-dama-desperasyon-ni-duterte/)