Pansamantalang isasara bukas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang General Tinio U-turn slot sa Caloocan City.

Ayon kay MMDA Traffic Engineering Center director Noemi Recio, noong nakaraang taon pa dapat nila isasara ang naturang U-turn slot.

“Actually, sana noong 2020 isasara natin ‘yan pero siyempre parang pinagbigyan natin dahil kapaskuhan so hindi po muna antin isinara,” wika niya sa isang panayam kanina.

“Definitely, bukas February 1, the Gen. Tinio U-turn slot will be closed to traffic,” dagdag pa nito.

Una nang sinabi ng MMDA na isasara nila ang U-turn slot upang mas mapabilis ang daloy ng trapiko sa kanilang EDSA Busway project.

The post 1 U-turn slot sa Caloocan sarado bukas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1-u-turn-slot-sa-caloocan-sarado-bukas/)